Daily U: Ending January with Random Thoughts

Since I’m offsite today and I forgot to download HTGAWM and basically when I’m bored and have poor internet signal, a lot of thoughts are running through my head right now so…

MISS U

Maxine, nag-Tagalog na eh. Hindi ko alam bakit English pa rin ang sagot mo. Ako nga eh, English ang entry sa blog tapos nag-Tagalog din. Bet ko talaga si Thailand kanina eh! Sayang. Pumasok pa naman ako ng office ng maaga. Oh well, masarap naman ang French fries. Hahaha

CAREER

Medyo busy ang lola niyo lately. Sa totoo lang, masyado akong nag-eenjoy sa writing life ko. Oo, mahal ko ang blogging pero siyempre may mga extra extra akong ginagawa para kumita parin tulad ng Freelance writing, proofreading at editing. So kung kailangan niyo ng magandang binibini magsulat para sa kahit ano, or i-check ang inyong gawa – message niyo lang ako. (Yes, makapag-promote) hahaha! Sa dami ng ginagawa ko, nahihirapan din ako kasi papatay-patay na yung laptop ko. Buti minsan may free time ako sa office. I doubt lang this week, mas busy na ako sa office.

ADVANCEMENT (hahaha)

Isa pang kumikitang kabuhayan ko is ang pagpapaload. Hindi mamaload, kundi papaload. Ako ang dakilang loading station sa mga close ko sa office. Sila lang ang pwede kasi sila, nakakaapagbayad agad. Tska hindi talaga pag-load peg ang ginagawa ko. Nagpapasaload ako kaya yung bill ko, iyak na lang. Hindi ko alam kung umiikot ba yung perang kinikita ko.

LOVE

Nagiisip parin ako ng magandang surprise para sa Valentine’s. Shet. First time ito. First time ko magkaroon ng legit na date itong coming Valentine’s. I-wrap ko kaya sarili ko na ribbon lang ang pang-wrap? Char. Iniisip ko bumili ng relo para hindi siya maubusan at mapagod sa time naming dalawa. Chos.

CURRENT EVENTS

Last week ko lang nalaman na legal ang abortion sa US. Kaya nagulat ako bakit ang daming negatron sa social media na mga Kano nung ginawang illegal ang abortion. Sumasakit puso ko habang binabasa ko yung mga comments. Ganun lang ka walang kwenta sa kanila pumatay ng bata. Yung hindi nga pinaninindigan ang bata, laki na ng karma eh #hugot, yung hindi pa itunutuloy at pinapatay pa? Juicekopopineapple.

AUSTRALIAN OPEN

Talo ako sa pustahan. Never naman ako naging Team Federer. Forever akong Team Rafa. Muntik na kahapon eh. Winning streak na si Nadal pero wala eh, pagbigyan ang matatanda. Hahaha. Jk. Nakipagpustahan ako sa ate ko. Kapag nanalo siya, bilhan ko daw sya ng Lapid’s chicharon. Kapag ako naman nanalo, potato corner tska milktea.

CRAVINGS

Lately, araw-araw ako nagcracrave ng milktea. Hindi namam ako buntis. Ewan ko. Kakatapos ko lang naman ng period ko. And matagal pa ako ulit magkakaroon. So talagang katakawan na ito. Naghahanap pa ako ng ibang dahilan to cover up my katakawan. Siyempre, hindi naman nawala ang patatas cravings ko. Ngayon, hindi na pwedeng wala akong dessert every after kain.

SAMSUNG

Kahit nagha-hang ang phone ko, hindi parin ako bibili ng iPhone. Na-try ko na mag-Apple before. Hindi ko talaga siya bet. Hindi siya pwede sa mga tamad tulad ko. Inaantay ko nalang ang November para sa free phone (every 2 years kasi sa Globe). Ang masaklap pa, lagi umiinit battery ng phone ko na minsan nakakatakot na. What if bigla nalang sumabog ito sa harap ko? Matatawag niyo na ba akong The Bomb? Or isang Bomba Star?

MUSIC

Sobrang na-aaddict ako kay Alessia Cara. Alam ko medj matagal na siya pero this weekend ko lang na-appreciate mga kanta niya. Wala kasing panget. Parang ako. Hahaha char. Medj nahihirapan lang ako magmemorize kasi yung ibang words na kinakanta niya, hindi ko maintindihan. Ano ba nationality niya? From Caramoan Island ba siya? Anyway, masaya akong bumalik na si Ed Sheeran after 1 year of resting in peace, chos. Medj di ko lang ma-gets music ng generation ng mga bagets lately. Sa totoo lang, hi di ko na ma-appreciate yung music. Puro kasi pang-party at clubbing. Parang nawawalan na ng substance. Ang dami namang magagaling na artists, bakit hindi dun mag-invest mga music companies? Nakakalungkot. Kahit OPM eh. Hayy. Trump, resign. Hahaha sinisi lahat kay Trump.

MOVIES

Napakalungkot on my part kasi hindi ko pa napapanuod ang ex-husband kong si Vin Diesel. I need your feedback if worth ba siya naming panuroin ni jowa sa Director’s Club. Pinipilit ako ni jowa manuod eh. Sabi ko wag na. Siya nalang papanuorin ko. Hihihi. La La Landi. Speaking of La La Land, hindi ko siya peg panuroin kasi ayoko kay Emma Stone. I feel so stoned watching her. Yung Assassin’s Creed napanuod namin. Hindi naman ako gamer pero my friends are. Pero to be frankenstein, nagadahan naman ako sa fight scenes although bitin. Late ko nang narealize si Steve Jobs pala yun. Eh ayoko nga ng Apple. Chos.

Sensya na at free-flowing ang thoughts ko. Or sorry din if may typos, naka-mobile lang ako and wala na akong time mag-check or mag-edit pa kahit trabaho ko talaga yun. Tinatamad na ako.

Happy Monday ❤

Advertisements

14 thoughts on “Daily U: Ending January with Random Thoughts

    1. Hi Jillie Bean is not my love! :) Hmmm nagstart ako sa Essays.ph hanggang may friends akong nagpapasulat ng articles, etc :) expand ypur network. Lalo na sa niche mo dito sa blogging world. Pwede mo i-promote :) tapos mag Upwork/Fiverr/Bubblews ka :)

      Liked by 1 person

    1. You can try searching on onlinejobs.com and then UpWork (formerly known as ODesk) and then ask your friends or lower batches if they need someone to write with any companies they might know who’s starting up a blog (for the company itself) :)

      Liked by 1 person

  1. Ang dami kong tawa dito, yung tubig na iniinom ko muntik ng pumasok sa ilong ko. O diba ikaw na. :D Gets kita, hindi rin ako bibili ng iPhone haha magOppo F1s na lang maganda naman, mas mura pa. Baka naman pwedeng magrequest bes, wala namang sapilitan, kung gusto mo lang naman … interesado din kasi ako sa freelance writing baka naman pwedeng magshare ka ng experience mo, yung process or examples ng mga sulat, wala kasi ako kaalam alam diyan. Never pa kasi na try. Hirap maging tambay bes, kelangan ng kumita kahit panload man lang. HAHAHA

    Liked by 1 person

    1. Hi Gerry! :) hahaha mga ilan? 37 na tawa? Hahaha! Seryoso ba na nangyari yang tubig na yan? Hahaha. You’re welcome :) Magkano po yung Oppo? Haha. Nakakatuwa na ang daming interested sa freelance writing. Hmmm. Hahaha loadan nalang kita chos!

      Sa freelance writing, try mo magstart sa Essays.ph para naman may bala ka kapag nag-apply ka sa iba :) UpWork (dating ODesk) tapos sa Online Jobs :)

      Like

      1. Basta marami akong tawa. :D Oo naman seryoso yung tubig na muntik ng pumasok sa ilong ko kasi nga natatawa ako sa post mo. :D Hindi naman na kataka-taka na maraming interested sa freelance writing, syempre lahat gusto kumita eh lalo na yung mga katulad ko na sobrang walang wala na talaga. May account na ko sa Essays.ph kaso hindi ko naman bes maintindihan kung papanong gagawin. :D

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s